|
Bakit ba pinagtatakpan ng mga ulap At pinipigil ang sinag ng araw Sa paghaplos nito sa aking mukha? Kailan ko kaya mararamdaman muli ang iyong kalinga? Nakakapagod pala na mawalay sa iyo Ayoko na lumayo
Dahil ang langit ay dumidilim Mga Tala ay nawawalan ng ningning Siguro Oras na talaga Para isuko na ang lahat At bitawan ang pabigat na pumipigil sa aking paglapit sa IYO.
mga sandaling ako'y lumalayo
hilahin mo ako papalapit sa'yo
ipaalala mo na nariyan ka
di ako pababayaang mag-isa
dahil ulap ay makulimlim
ang araw'y nagtago na rin
oras na nga talaga
para iwan na ang lahat
lahat ng pabigat
na pumipigil sa aking paglapit sa Iyo.
BOW.
Ninja/Paul Tolentino June '06
|