Nasa ulap nanaman ang isip ko
Nasa iyong mga kamay pa ba kaya ang puso ko?
Naninirahan nanaman ako saking nakaraan
Ang iyong mga pangako’y nakakalimutan
Patawad
Ikaw lang naman talaga
Ang maari kong panghawakan
Sayo’y hindi ako mapapahamak
Hayaan mo akong maginhawaan sa iyong alab
Manatili sa kalinga ng iyong pagmamahal
Maging kontento sa presensya mong nagpupuno
Ng lahat ng kakulangan sa buhay ko
Posted at 11:15 pm by nuriendil